Friday, October 9, 2009

Lunas sa Kapighatian

Juan 16:33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian; nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.

1 Pedro 4
12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring ang nangyayari sa inyo'y di karaniwang bagay;
13 Kundi kayo'y mangagalak, sapagka't kayo'y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; upang sa pagkahayag ng Kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.

Mga Taga Roma 5
3 At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
4 At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pag asa;
5 At ang pag asa ay hindi humihiya; sapagka't ang pag-ibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.

Santiago 1
3 Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.
4 At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
5 Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
6 Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan; sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.

Mateo 11
28 Magsiparito sa Akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y Aking papagpapahingahin.
29 Pasanin ninyo ang Aking pamatok at mag aral kayo sa Akin; sapagka't Ako'y maamo at mapagpakumbabang puso; at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa;
30 Sapaka't malambot ang Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan.

Mga Awit 133:1 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

Kapag sama-sama ang magkakapatid sa pananampalataya, anumang unos ng buhay ay malalagpasan at may panibagong magandang bukas na darating sa taong lubos na nagmamahal sa Dios.